Drown

Batang babae, 7, nalunod sa resort sa Bulacan

Bernard Galang Apr 27, 2026
91 Views

BULAKAN, Bulacan–Nalunod ang 7-anyos na batang babae sa isang resort sa Brgy. San Francisco ng bayang ito noong Linggo.

Dead-on-arrival sa pinagdalhang ospital ang biktima, ayon kay Police Regional Office (PRO) 3 director Brig. Gen. Jess Mendez.

Naganap ang insidente sa Villa Alfonso Resort kung saan naliligo sa pool ang biktima at nalaman lang na nalunod ng natapakan ng isang saksi ang damit ng biktima sa ilalim ng tubig.

Dahil sa hinala na may kakaiba, tumingin sa paligid ang saksi at nadiskubre ang bata na nakalubog na sa tubig.

Sumisid ang mga taong nasa paligid at maiangat ang biktima mula sa pool at sinubukan pang buhayin at dinala sa Polymedic Hospital kung saan idineklarang patay na ng attending physician na si Dr. Archie Fojas.