fire

Apoy tinupok mga kabahayan sa Maynila

Jon-jon Reyes Apr 30, 2026
32 Views

Fire1

Fire2
Inaapula ng mga pamatay sunog ang naglalagablab na apoy na tumupok sa mga kabahayan sa Mayhaligue St., Tondo, Manila.

NILAMON ng apoy ang residential area na gawa lang sa light materials ang mga bahay at nadamay pa ang eskwelahan sa Mayhaligue corner Fermin Tubera St., Brgy. 262 at 264, Tondo, Maynila noong Huwebes.

Ayon kay Senior Fire Inspector Ronald Lim, nagsimula ang sunog bandang alas-2:40 ng madaling araw at kumalat hanggang umakyat sa unang alarma.

Lumaki ang apoy at itinaas sa ikaapat na alarma kaya nadamay ang katabing eskwelahan sa sunog.

Pahirapan sa pag apula ng sunog dahil masikip ang daan kaya gumawa ng paraan ang ibang residente sa pag apula ng apoy.

Sinira ng ilan ang tubo ng kuntador ng tubig na nagsilbing kuhaan ng tubig para mapatay ang apoy.

Rumesponde ang mga tauhan ng Padre Algue PCP-MPD Police Station 2 na sina Pat Zuriel Alcantara kasama si Pat. Patrick Vega upang magbantay sa lugar at maiwasan ang karahasan.

Pasado alas-5:05 ng umaga ng ideklarang fire under control ang sunog.

Pinangunahan ni Fire Senior Inspector Demetrio Sablan, BFP ground commander, ang mga tauhan ng BFP at mga fire volunteer sa pag-apula ng apoy.