Patay

Obrero nakitang bangkay, puno ng dugo sa inuupahan

31 Views

Patay1NATAGPUANG patay at naliligo sa sarili niyang dugo ang isang construction worker sa loob ng kanyang inuupahang boarding house sa Barangay Sto. Domingo, Quezon City.

Ayon sa report nadiskubre ang bangkay ng 38 anyos na biktima bandang alas-9:00 ng gabi noong Mayo 2 nang umuwi mula sa trabaho ang kanyang mga kasamang boarders.

Bumulaga umano sa kanila ang katawan ng biktima na nakahandusay sa sahig habang may duguang piraso ng kahoy sa tabi nito.

Ayon sa mga awtoridad, nagtamo ng maraming sugat sa ulo ang biktima sanhi ng matinding pagpalo.

Isang kapitbahay ang nagsabing nakita niya ang suspek na may hawak na kahoy na kinuha muka sa labas ng bahay ng biktima. Ang suspek ay dati din umanong nakatira sa inuupahang bahay ng biktima.Umalis umano ito sa boarding house isang linggo bago ang krimen.

Nakuha rin sa CCTV ang suspek na nagmamadaling tumakas habang tila pinapahiran ang dugo sa kanyang mga kamay.

Patuloy ang manhunt operation ng pulisya para madakip ang suspek na nananatiling nakatakas.