Calendar
4 ‘tirador’ ng kable nakipaghabulan sa pulis bago nasakote
TIMBOG ang apat na tirador ng kable matapos ang mahabang pakikipag-habulan sa pulisya na nagsimula sa Paranaque City na nagwakss sa Bicutan sa Taguig City.
Dakong alas-4:00 ng madaling araw nang ma-obserbahan ng mga nagpapatrulyang tauhan ni Paranaque police chief P/Col. Nicolas Pinon ang pagpasok sa bukas na manhole ng isa sa mga suspek sa Dr Arcadio Santos Avenue, BF Homes at nang lumabas ay may bitbit ng mga kable ng telepono
Nang mapuna ng mga suspek ang mga pulis, kaagad sumakay sa van at tumakas kaya’t hinabol sila ng mga pulis hanggang abutan sa bahagi na ng Bicutan.
Naaresto ang mga sakay ng van na sina alyas Rommel, 28; alyas John Zedrick, 18; at alyas John Rose, 27, at nakumpiska rin sa kanila ang mga pinutol na kable ng telepono, bold cutter, metal saw at iba pang mga gamit.
Dinakip din ng pulisya ang ika-apat na suspek na si alyas Rodel, 32, nang magtungo sa police station upang kunin ang pag-aari niyang Foton Tornado van na gamit sa pangungulimbat matapos siyang ituro ng kasamahan bilang spotter at back-up driver.

