Jesus

Panginoon, wala kami kung wala Ka

Mar Rodriguez Nov 17, 2026
3 Views

PANGINOON, ngayon ay nais ko lamang magpasalamat.

Salamat sa aking pamilya, sa aking kalusugan, sa aking tahanan, at sa mga pagpapalang patuloy Mong ibinubuhos sa aking buhay.

Patawarin Mo ako sa aking mga pagkakamali at tulungan Mo akong maging mas mabuting tao sa bawat araw. Pakiingatan Mo ang mga taong mahal ko at panatilihin Mo silang ligtas sa Iyong pangangalaga. Punuin Mo ang aming puso ng pag-asa, pagmamahal, at pasasalamat.

Wala kami kung wala Ka, Panginoon, amen.

Ni MAR RODRIGUEZ