PT

Pagpupulong nina Marcos, Albanese sa ASEAN Summit dinaluhan ni Recto

2 Views

Pic1PicDUMALO si Executive Secretary Ralph G. Recto sa bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Australian Prime Minister Anthony Albanese nitong Lunes, Nobyembre 16, sa gitna ng ika-49 na ASEAN Summit.

Kasama ni Recto sa pulong ang iba pang pangunahing miyembro ng Gabinete.

Itinampok sa pulong ang bagong lagdang Defense Cooperation Agreement ng Pilipinas at Australia at ang kanilang joint statement na Kasandigan.

Saklaw ng dalawang dokumento ang kooperasyon sa depensa at seguridad sa karagatan, joint military exercises, humanitarian assistance at disaster response.

Kasama rin dito ang dagdag na oportunidad sa kalakalan, pamumuhunan at development cooperation.

Muling pinagtibay sa talakayan ang 80 taon ng diplomatikong relasyon ng dalawang bansa at ang Philippines–Australia Strategic Partnership.

Ang ASEAN Summit ang pagtitipon ng mga lider ng Association of Southeast Asian Nations. Pilipinas ang host nito ngayong taon.

Noong Agosto 2025, lumagda umano ang Pilipinas at Australia sa isang statement of intent para buuin ang Defense Cooperation Agreement. Ibabatay umano ito sa 1995 Memorandum of Understanding on Defense Cooperation ng dalawang bansa.