Calendar
3K senior Las Piñeros sa District 2 tumanggap ng tig-10 kilong bigas
UMABOT sa 3,000 senior citizen ang nabiyayaan ng tig-10 kilong bigas sa ilalim ng programang Bawat Bayan Makikinabang (BBM) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. Linggo ng umaga sa Las Piñas City.
Pinangunahan ni Las Pinas City Mayor April Aguilar ang pamamahagi ng bigas upang matiyak na maayos itong matanggap ng mga nakatatandang Las Piñero na residente ng District 2 na kabilang sa mga prayoridad na sektor ng lungsod.
Sa pamamagitan ng flagship social program ng pambansang pamahalaan, direktang maipapaaabot ang tulong sa mga komunidad, lalu na sa vulnerable sector at pinakamahihirap na pamilya sa buong bansa.
Personal namang bumati sina Congressman Mark Anthony Santos, Councilors Alelee Aguilar at Macky Saito sa mga benepisyaryo bilang pagpapakita ng malasakit sa sektor ng senior citizens.
Nagpasalamat si Mayor April sa suporta ng pambansang pamahalaan na patuloy na naghahatid ng serbisyo para sa mga Las Piñero.
