P170K na shabu nasamsam sa lalaki sa QC

26 Views

TIMBOG ang drug suspek na nakuhanan ng tinatayang P170,000 halaga ng hinihinalang shabu ng mga pulis sa Payatas-Bagong Silangan Police Station 13 sa Brgy. Payatas, Quezon City noong Linggo.

Kinilala ang suspek sa alyas na Marcelino, 59, ayon kay P/Lt. Col. Rowena Amata, hepe ng station 13.

Dakong alas-12:50 ng hatinggabi ng salakayin ng mga operatiba, sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency-National Capital Region (PDEA-NCR), ang bahay ng suspek matapos makatanggap ng impormasyon mula sa confidential informant hinggil sa umano’y ilegal nitong gawain.

Nasamsam mula sa suspek ang 25 gramo ng hinihinalang shabu na may standard price na P170,000, buy-bust money at isang cellphone.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 na isasampa sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Pinuri ni QCPD director P/BGen. Randy Glenn Silvio ang mga operatiba sa matagumpay na operasyon.