Calendar
Nabistong nangnenok ng motor huli
KALABOSO ang 35-anyos na lalaki ng mabisto na tangkang tangayin ang motorsiklo at nakuhanan pa ng hindi lisensyadong baril sa Cubao, Quezon City.
Kinilala ang naarestong suspek sa alyas Ramon, ayon sa imbestigasyon ng Cubao police station 7.
Nahuli ang suspek dakong alas-9:10 ng umaga noong Mayo 25 nang tangayin ng suspek ang Honda Click 125 sa Brgy. Kaunlaran.
Namataan ng 30-anyos na may-ari ang pangyayari kaya’t hinarang at pinigilan ang suspek bago pa makatakas.
Isang residente ang humingi ng tulong sa nagpapatrolyang mga pulis kaya naaresto ang suspek.
Nasamsam kay Ramon ang cal .38 revolver na may dalawang bala ngunit walang dokumento.
Nahaharap ang suspek sa kasong carnapping at illegal possession of firearms sa Quezon City Prosecutor’s Office.
Pinuri ni QCPD director P/BGen. Randy Glenn Silvio ang mga pulis sa mabilis na responde sa kaso.
