Hot News

Rider dead on the spot matapos sumalpok sa Center Island

Jon-jon Reyes May 29, 2026
42 Views

RiderRider1Rider2Rider3

Rider4
Nagsagawa ng pagsisisyasat ang mga operatiba ng Manila Traffic Bureau ng MPD sa pinangyarihan ng malagim na aksidente. JONJON C. REYES

DEAD on spot nag isang 49-taong gulang na rider matapos sumalpok ang sinasakyan nitong motorsiklo sa Center Island sa kahabaan ng Rizal Avenue, Extension malapit sa R. Papa, LRT Station sa Sta Cruz, Manila,Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ni Police Capt. Joel Aquino, chief ng Vehicle Traffic Investigation Section ng MPD, ang biktima na si alias Romeo ,may asawa, nagba-buy and sell at nakatira sa Diodado Street, Brgy 53 Zone 4, District 1, Dagupan, Tondo, Manila.

Ayon sa report ng pulisya, bandang 1:50 ng madaling araw ng mangyari ang aksidente.

Batay sa imbestigasyon, binabaybay ng biktima ang southbound lane sa kahabaan ng Rizal Avenue Extension, Sta. Cruz, at nag-overtake ito sa dalawang trak bago bumangga sa gilid ng isang konkretong poste na sumusuporta sa linya ng LRT.

Ang trahedya ay nakuha ng CCTV mula sa Barangay 189, Sta. Cruz, Maynila.

Sa isinagawang ocular inspection, may nakitang marka sa gilid ng sementadong poste, na posibleng nabangga ng rider na lulan ng Rusi motorsiklo (622-PTN).

Nadurog ang helmet na suot na rider.

Ayon sa asawa ng biktima, galing umano sa inuman ang biktima. Dumating sa pinangyarihan ang mga rumespondeng tauhan ng BFP Intramuros na sina FO3 Ricafort at FO3 Papelota dala ang ambulansya.

Tinatayang alas-2:45 ng madaling-araw nang ideklarang patay ni FO3 Ricafort ang driver ng motorsiklo..

Ang labi ng biktima ay nasa pangangalaga ng R.M. Amurao Funeral Services, Inc. para sa tamang disposisyon.