Calendar
Nanghalay huli sa Valenzuela
ARESTADO ang 23-anyos na lalaki dahil umano sa panghahalay sa isang babae matapos masukol habang naglalakad noong Biyernes sa Valenzuela City.
Pinosasan ng mga tauhan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili si alyas Bogart ng matiyempuhan sa CJ Santos St., Brgy. Malinda dakong alas-11:15 ng umaga.
Si alyas Bogart ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Valenzuela Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Ayn Marie Grace Barit-Carig ng Branch 171 para sa kasong rape by carnal knowledge at rape by sexual assault.
Nakadetine sa custodial facility ng Valenzuela police ang akusado habang hinihintay ang paglalabas ng commitment order ng hukuman para sa paglilipat sa kanya sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
