Nueva Ecija isinailalim sa state of calamity bunsod ng pinsala ng bagyo

Steve A. Gosuico Sep 27, 2022
216 Views

ISINAILALIM ang buong lalawigan ng Nueva Ecija sa state of calamity bunsod ng malaking pinaslang iniwan ng bagyong Karding.

Pinagtibay ng Sangguniang Panlalawigan ang Resolution No. 82-S-2022 na nagdedeklara ng state of calamity sa probinsya noong Lunes, Setyembre 26.

“The Sangguniang Panlalawigan, after evaluating the report and recommendation given by the PDRRMC, finds the declaration of the state of calamity necessary and with extreme urgency,” sabi ng resolusyon.

Ikinonsidera sa desisyon ng Sanggunian ang lawak ng pinsala ng bagyo at ang rekomendasyon ni Governor Aurelio Umali na siyang pinuno ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC).

Ang lalawigan ang isa sa isinailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 ng PAGASA.