Just In

Calendar

June 2026
M T W T F S S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

116 kirminal tiklo sa CIDG-RFU 3

Bernard Galang Jun 7, 2026
32 Views

NASA 116 suspek sa halu-halong krimen ang nasakote sa Central Luzon ng mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit 3’s (CIDG-RFU3), ayon sa report.

Ayon kay CIDG-RFU 3 chief Col. Grant Gollod, nahuli ang mga suspek sa 92 police operations noong Mayo.

Bukod sa mga naaresto, nagsampa din ang mga pulis ng 35 criminal complaints, nakakumpiska ng siyam na loose firearms at nakalikom ng mga ebidensya na umaabot sa P40.69 million.

Sa Bulacan pinakamarami ang operasyon, 17 at sumunod ang Tarlac, 16; Nueva Ecija at Pampanga, 12; Bataan, 10; Olongapo, 8; Angeles, 7; Zambales, 6; at Aurora at regional headquarters, tig-2.

Sa mga suspek, 23 ang natiklo sa Bulacan, Tarlac, 22; Nueva Ecija, 19; Pampanga, 12; Bataan, 10; Angeles, 9; Olongapo, 8; Zambales, 6; RHQ, 5; at Aurora, 2.