Calendar
‘Di nagbigay ng payout, tiklo
NUEVA ECIJA–Nasakote noong Sabado ng mga pulis sa Cabanatuan City ang 26-anyos na babaeng online seller dahil sa hindi pagbibigay sa mga “investors” niya ng “payout” na umaabot sa P1.13 million sa online paluwagan.
Arestado ang suspek sa Putol St., Brgy. Mayapyap Sur dakong alas-11:30 ng gabi.
Sa reklamo ng limang biktima ng suspek, umabot ang naibigay nilang “investment money” sa suspek ng P6,165,000 at P1,130,000 ang hindi naibigay na payout.
Kabilang sa mga biktima ang isang na namuhunan ng P700,000 at tatanggap dapat ng P150,000 payout; 22-anyos na businesswoman na namuhunan ng P269,000 at tatanggap ng payout na P24,000; 29-anyos na dalaga na namuhunan ng P1.6 milyon at tatanggap ng payout na P154,000.00; 21-anyos na estudyante na may puhunan na P1,553,000 at may payout na P320,000; at 30-anyos na businesswoman na namuhunan ng P2,043,000 at tatanggap ng payout na P482,000.
Kasong kriminal para sa large-scale estafa ang iginagayak ngayon laban sa suspek at isasampa sa city prosecutor’s office dito.

