Just In

Calendar

June 2026
M T W T F S S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
LTO1

LTO naglabas ng SCO vs senglot na driver

Steve A. Gosuico Jun 7, 2026
108 Views

LTOCABANATUAN CITY–Naglabas ang Land Transportation Office (LTO) ng show cause order (SCO) at nagpatupad ng 90-araw na preventive suspension laban sa lasing na drayber ng Suzuki hatchback na kitang-kita sa video ang kaangasan at road rage na pinasimunuan niya.

Navideohan ang isang grupo ng lasing na criminology students sakay ng isang kotse na humarang sa kalsada at hinamon ang driver ng truck na bumabaybay sa Vergara highway malapit sa Lakewood City noong Biyernes.

Makikita ang komprontasyon sa pagitan ng driver ng kotse at ng driver ng truck at ilang beses kinalampag ng estudyante ang pintuan ng truck at sumisigaw na “bakit ang yabang mo?”

Umaksyon ang mga pulis at inimbestigahan ang Facebook post na nag-viral at kinilala ang mga estudyante ng isang unibersidad dito sa lungsod.

Nakipag-ugnayan ang Cabanatuan City police sa nag-upload ng video, si Elvis Orita, na nangakong dadalo sa istasyon ng pulisya sa Lunes upang ituloy ang pagsasampa ng mga naaangkop na kaso laban sa estudyante.

Sa post ni Orita, sinabi niya na: “Mga student pa lang ng criminology abusado na, kung makaasta feeling pulis na.”

Inatasan na ni LTO chief Markus Lacanilao ang Intelligence and Investigation Division na ipatawag ang nasabing driver upang magpaliwanag sa mga paglabag niya, kabilang ang reckless driving, driving while under the influence of alcohol at pagiging improper person to operate a motor vehicle.