116 kriminal tiklo sa CIDG-RFU 3

Bernard Galang Jun 6, 2026
21 Views

NASA 116 suspek sa halu-halong krimen ang nasakote sa Central Luzon ng mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit 3 (CIDG-RFU 3), ayon sa report.

SInabi ni CIDG-RFU 3 chief Col. Grant Gollod na nahuli ang mga suspek sa 92 police operations noong Mayo.

Bukod sa mga naaresto, nagsampa rin ang mga pulis ng 35 criminal complaints, nakakumpiska ng siyam na loose firearms at nakalikom ng mga ebidensiya na umaabot sa P40.69 milyon.

Sa Bulacan pinakamarami ang operasyon, 17; sumunod ang Tarlac, 16; Nueva Ecija at Pampanga, 12; Bataan, 10; Olongapo, walo; Angeles, pito; Zambales, anim; at Aurora at regional headquarters, tig-dalawa.

Sa mga suspek, 23 ang natiklo sa Bulacan; Tarlac, 22; Nueva Ecija, 19; Pampanga, 12; Bataan, 10; Angeles, siyam; Olongapo, walo; Zambales, anim; RHQ, lima; at Aurora, dalawa.