Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026
Calendar
Provincial
Dahil sa panghahalay, 2 Amerikano inaresto
Bernard Galang
Jun 6, 2026
280
Views
ANGELES CITY, Pampanga – Dalawang Amerikanong wanted sa mga kasong paglabag sa Safe Spaces Act at statutory rape ang naaresto sa siyudad na ito, ayon sa Police Regional Office 3 (PRO 3).
Ang unang suspek, si alyas “Jerry,” 39-anyos, ay pinagsilbihan ng warrant of arrest habang nakakulong sa custodial facility ng Police Station 5 para sa kasong qualified gender-based sexual harassment in streets and public places sa ilalim ng Republic Act (RA) 11313 o Safe Spaces Act.
Isa pang Amerikanong si alyas “Shiloo Zore,” 62-anyos, ay inaresto dahil sa paglabag sa RA 8353 o Anti-Rape Law of 1997.
Matapos ang pag-aresto, inilagay ang dalawang akusado sa kustodiya ng pulisya habang hinihintay ang pag-turn over sa kaukulang hukuman.
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026
