Calendar
Ryan Bang ibinahagi ‘secret medicine’ sa heartbreak
Grabe rin ang naging suporta ni Vice Ganda kay Ryan Bang noong panahong lugmok ito at heartbroken nang hindi matuloy ang kasal nito with ex-fiancee Paola Huyong.
Sa latest vlog ng Unkabogable Star, kung saan umamin si Ryan tungkol sa paghihiwalay nila ni Paola, sinabi niyang awang-awa siya sa kanyang anak-anakan.
“Kahit ako, hanggang ngayon, hindi ko ‘yun ma-imagine kaya awang-awa ako kay Ryan nu’n. Hindi ko siya maiwan, pupuntahan ko siya. Hindi ko alam kung paano niya ito hinaharap kasi ang bigat nito,” sey ni Meme Vic
Hindi raw niya alam kung paano iko-comfort noon si Ryan dahil hindi pa niya ito nararanasan.
“Feeling ko, ang dami ko na pinagdaanan, pero ‘yun, hindi ko ‘yun alam. Hindi ko ‘yun pinagdaanan. Hindi ko alam kung ano ‘yung pwede kong i-advice sa kanya kasi wala akong ganu’ng experience, eh. Saka hindi mo siya masukat, ga’no ‘yun kasakit,” saad ng TV host/comedian.
“Tapos alam na ng lahat, in-announce na sa buong mundo na they are about to get married. Engaged na si Ryan, kumalat na ang mga litrato, tapos isang araw, o, pak, bakit nawala ang mga litrato ko? Ba’t ako na-delete?” aniya pa.
Sobrang na-touch naman si Ryan sa effort ng kanyang nanay-nanayan na damayan siya noong panahong iyon.
“Araw-araw pumunta mommy ko. Ang cute ni mommy, ‘Ryan, gusto mo puto bumbong. Next day, ‘Anak bibingka.’ Araw-araw. ‘Anak ano gusto mo? Gusto mo lutuan kita,’” kwento ni Ryan.
“Araw-araw pumupunta ang mommy ko. Isang buwan,” sambit pa niya.
“First day nasa room lang ako buong araw. Daming tumutunog sa social media eh, so dark. Depression pala ganito,” aniya.
“Agad pumunta sa akin si mommy Vice, ‘Anak pasok ka pa rin sa ‘Showtime,’ parehas pa rin ang routine na ginagawa mo.’
“So ang ginawa ko, ‘Showtime,’ and bago mag-Showtime tumakbo ako, dito na area, hanggang mapagod,” patuloy ni Ryan.
“‘Yun pala best medicine pag tumatakbo, lakad, walking, takbo, nawawala ‘yung mga naiisip mo na negative. Iyon ‘yung secret medicine ko. Takbo tapos huwag ka na masyado mag-social media,” aniya pa.
