pbbm (Photo from DOTr)

Metro Manila subway matatapos sa 2028 o 2029

219 Views

MATATAPOS umano ang Metro Manila Subway project, ang kauna-unahang underground railway system sa bansa, sa 2028 o 2029.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Cesar Chavez ang gumagawa ng Metro Manila subway ay siya ring gumawa ng mga subway sa Tokyo, Indonesia, Vietnam, at Singapore.

Ang Metro Manila subway ay may habang 33 kilometro at 17 istasyon mula sa Valenzuela City hanggang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City.

Sa 2028 ay inaasahan na magsisimula na umano ang operasyon ng subway mula East Valenzuela hanggang Shaw Boulevard station.

Pinawi naman ni Chavez ang mga pangamba na masira ang subway dahil sa lindol o pasukin ito ng baha.

Inaasahang aabot umano sa 150,000 pasahero ang makikinabang sa subway araw-araw.

Ang 90 minutong biyahe mula sa Quezon City hanggang NAIA ay magiging 35 minuto na lamang umano sa subway.