4 arestado sa P4.1M halaga ng marijuana

163 Views

ARESTADO ang apat katao na nahulihan umano ng P4.1 milyong halaga ng high grade marijuana sa Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina Mihingold Guina, 23-anyos, ng San Pedro, Laguna City; Daryl Louie Borgonia, 31-taonggulang; Miriam Doctor, 23-anyos, at kapwa residente ng Brgy. San Roque, Marikina City; at Fernando Mendoza, 25-taong gulang at ng Brgy. San Agustin, Novaliches, Quezon City.

Naaresto umano ang mga suspek sa isinagawang buy-bust operation alas-7:45 ng gabi noong Oktobre 5 sa Valiant St., Brgy. Greater Fairview, Quezon City.

Isang pulis umano ang nagpanggap na buyer at nakabili sa suspek na si Mendoza ng P25,000 halaga ng marijuana.

Itinuro umano ni Mendoza ang kanyang mga kasama na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga ito. Narekober sa kanila ang 3,160 gramo ng ipinagbabawal na gamot, cellphone, at sasakyan.