Pusher na killer patay sa engkwentro

146 Views

PATAY ang isa umanong notoryus na pusher at killer na nakipagbarilan sa mga pulis sa Quezon City.

Kinilala ang nasawi na si John Philip Rodriguez alyas “Mata”.

Nagsasagawa ng anti-gambling operation ang pulisya sa Sandakot st., Brgy. Payatas alas-5:45 ng hapon ng dumaan umano ang suspek na nagmamaneho ng motorsiklo.

Napansin umano ng mga pulis ang naka-umbok sa bewang nito kaya ito ay sinita.

Habang papalapit ang mga pulis ay bumunot umano ng baril ang suspek at nagpaputok. Gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

Kilala umano ang suspek sa lugar na nagbebenta ng iligal na droga at pinapatay umano nito ang mga hindi nakakabayad sa kanya kaya mayroon itong hinaharap na kasong frustrated murder at murder.

Narekober sa crime scene ang isang kalibre .38 revolver at itim na Kawasaki Fury na may plakang 6325 QB.