Batangas

San Pascual nagkaroon ng Larga Batangas program

33 Views

Batangas1SAN PASCUAL, BATANGAS – Isinagawa dito ang “Larga Batangas 2nd District: Ugnayan sa Barangay at sa Bayan” na naglalayong ilapit ang mga serbisyo ng pamahalaan sa mga mamamayan.

Pinangunahan ang aktibidad ni Mayor Roanna Conti kasama ang vice mayor, mga konsehal at mga kapitan ng barangay ng San Pascual pati si Mabini, Batangas Mayor Noel “Bitrics” Luistro bilang at kinatawan ni Congresswoman Atty. Gerville Luistro.

Bukod sa talakayan ukol sa mga proyekto, makulay ang okasyon sa pakikibahagi ni Congresswoman Luistro.

Ang aktibidad ay patunay ng masigasig na ugnayan ng lokal at nasyonal na gobyerno upang maghatid ng tulong.