Arestado

P68K na shabu nasamsam sa 4 na drug suspek

Steve A. Gosuico Jun 29, 2026
105 Views

CAMP GEN. MARIANO N. LLANERA, CABANATUAN CITY — Apat na drug suspek ang naaresto at mahigit P68,000 na halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska sa lalawigang ito noong Linggo at Lunes.

Naaresto sa Science City of Muñoz ang 18-anyos na drug personality noong Linggo dakong alas-9:00 ng gabi sa Brgy. Licaong.

Nakumpiska sa suspek ang P34,450 na halaga ng shabu, isang cal. 45 Colt, isang magazine assembly at tatlong live ammunition.

Tatlo pang drug personalities ang naaresto ng Guimba, Cabanatuan City at Cabiao police units kung saan nakumpiska ang 5.07 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P34,476.

Ang mga suspek ay nasa kustodiya na ngayon ng pulisya at sasampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.