Calendar
Limay naglunsad ng desilting
NAGSAGAWA ng desilting sa Barangay Luz, Limay, Bataan, noong Lunes.
Napuri si Mayor Richie Jason David ng mga taga Brgy. Luz dahil sa malawakang delisting sa mga ilog.
Malaking ang desilting ni Mayor David dahil napapanahon at ‘di kinakabahan ang mga kabarangay pagdating ng tag ulan.
“Mula po noong Mayo 27, 2026 ay nagsimula na tayo sa malawakang desilting ng ilog sa Baryo Luz, mula sa bukana hanggang sa loob ng Kitang 3,” sabi ng mayor.
Pinasalamatan din ni Mayor David ang mga opisyal ng Brgy. Baryo Luz, mga helpers at lahat ng nakikiisa sa paglilinis ng kapaligiran.
“Nananawagan po ako sa bawat mamamayan na huwag magtapon ng basura at human waste sa ating mga ilog at estero,” ani Mayor David.
Nagbabala ang punong bayan na sinumang mahuhuling lumalabag ay maaari nating patawan ng kaukulang disiplina at kaparusahan alinsunod sa batas at mga ordinansa.
“Hindi natin kayang pigilan ang mga likas na sakuna, ngunit kaya nating maging responsable at magkaisa upang mabawasan ang kanilang epekto,” paliwanag ng mayor.
