Sampaloc

DSWD tinanggap menor de-edad na nambato ng bote

Jon-jon Reyes Jun 29, 2026
46 Views

Sampaloc1

Sampaloc2
Isinuko ng ina ang kanyang menor de-edad na nanakit at nanakot sa pump attendant sa gasolinahan sa Sampaloc, Manila.

NASA custody na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang menor de-edad na nambato ng bote sa Rephil gas station sa G. Tuazon corner M. Dela Fuente Streets, Sampaloc, Manila, noong Biyernes.

Ayon kay Police Major Philipp Ines, tagapagsalita ng Manila Police Distrct (MPD), ang incident report ay mula sa viral video ng kumalat sa Facebook at ipinost ni alyas “Marco.”

Bandang alas-3:50 ng hapon nangyari ang pamamato ni alyas “Micmic,” ayon sa report.

Nakatanggap ng tawag si Pat. Juan M Bino II mula sa supervisor ng nasabing gasoline station hinggil sa isang menor de-edad na gumagawa ng kaguluhan.

Ang ulat ay nai-post sa 911 Monitoring Group Chat bandang 4:22 ng hapon kaya dumating sina Pat. Carlo Miranda at Pat. Roigie Belanigue subalit mabilis na nakaalis ang menor de-edad.

Dahil dito, nagsagawa ng validation ng ulat sa pamamagitan ng pakikipanayam sa biktima na si alyas “Rey” na nasa tamang edad at nagtatrabaho bilang pump attendant sa Rephil Gas Station.

Isinuko ng nanay ang kanyang menor de-edad na anak sa mga kapulisan na nagresulta sa pagsagip dito ng mga pulis.