Calendar
Paaralan sa QC binigyan ng safety lectures, info drive
PINAIGTING ng Quezon City Police District (QCPD) ang seguridad sa mga paaralan sa siyudad sa tulong ng Oplan Bisita Eskwela kung saan halos 8,000 estudyante ang nabigyan ng mga safety lectures at information drive.
Mula Hunyo 19 hanggang 25, 169 na pulis ang bumisita sa iba’t-ibang paaralan at nagsagawa ng 233 aktibidad kabilang ang pagdalo sa flag ceremony, mga talakayan ukol sa crime prevention, anti-bullying, road safety at anti-illegal drugs.
Ayon sa QCPD, nasa 7,950 estudyante ang naabot ng programa at 1,750 information flyers ang ipinamahagi upang mapalawak ang kaalaman ng mga kabataan sa pag-iwas sa krimen.
Sinabi ni QCPD Director P/BGen. Randy Glenn Silvio na nananatiling prayoridad ng pulisya ang kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral.
“Ensuring the safety and well-being of our students remains one of our top priorities. Through Oplan Bisita Eskwela, we continue to strengthen our presence in schools and educate the youth on important safety measures,” sabi ni Silvio.
