Calendar
Source: BFP Valenzuela Fire Station
Lumang bodega na may scrap materials naabo
TINUPOK ng apoy ang lumang bodegang imbakan ng mga scrap Martes ng umaga sa Valenzuela City.
Sumiklab ang hindi pa batid na dahilan ng sunog sa lumang bodega sa Molina St. Brgy. Veinte Reales pasado alas-7:00 ng umaga na kaagad itinaas sa ikalawang alarma ng alas-7:51 bunga ng malakas na lagablab ng apoy at makapal na itim na usok.
Kaagad namang nakontrol ng mga nagrespondeng tauhan ng Valenzuela City Bureau of Fire Protection (BFP), sa ilalim ng pangangasiwa ni City Fire Marshal F/Supt. Ma. Theresa Alqueza ang sunog dakong alas 8:30 ng umaga, kaya’t hindi na kumalat ang apoy sa mga katabi pang istraktura.
Alas-9:22 ng umaga nang tuluyang maapula ang apoy na tumupok sa hindi pa batid na halaga ng iba’t-ibang uri ng scrap na plastic, metal, at hindi pa batid na uri ng kemikal na nakalagay na mistulang supot ng semento.
Wala namang iniulat na nasawi o nasugatan sa naturang sunog.

