Calendar
Suspek sa pagdedo ng kagawag, nagtago ng 2 dekada, nahuli na
MATAPOS ang mahigit dalawang dekadang pagtatago, naaresto ng mga pulis noong Huwebes ang isa sa magkapatid na pumatay umano sa barangay kagawad sa Las Piñas sa Leyte.
Iniulat ni Las Piñas police chief P/Col. Fermin Armendarez III kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco ang pagkakadakip sa 60-anyos na si alyas Roger dakong alas-7:45 ng gabi sa Brgy. Bugho, Julita, Leyte
Pinaslang umano ng akusado, kasama ang kanyang kapatid, ang kagawad ng Barangay Almanza Uno sa Las Piñas City noong 2004 sa hindi pa batid na dahilan.
Nahuli ang suspek sa warrant of arrest n8 pirmado ni Las Piñas City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Kathryn Sabado ng Branch 202 para sa kasong murder.
Sinabi ni Cinco na hindi hadlang ang matagal na panahon upang mabura ang isang krimen dahil patuloy ang pagtutulugan ng pulisya sa iba’t-ibang rehiyon para tugisin ang mga nagtatago sa batas.

