Calendar
Nagwalang Chinese arestado sa Paranaque
INARESTO ng mga pulis ang Chinese national na nag-amok at nanira ng gamit sa kainan noong Sabado sa Parañaque City.
Dakong alas-9:41 ng gabi ng pumasok sa Pares Hub sa may Quirino Avenue, Brgy. Tambo ang galit na galit na si alyas Guo habang hinahanap ang taong nais niyang komprontahin.
Nang hindi matagpuan ang taong hinahanap, nagwala na ito at nanira na ng gamit kaya nagsara na ang kainan bunga ng matinding takot sa Chinese.
Nagpapatrulya ang mga tauhan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco kaya’t nang mapansin ang gulo na dahil sa dayuhan inaresto na ito.
Ayon kay Parañaque police chief P/Col. Nicolas Pinon, ipinabatid na nila sa Chinese embassy ang pagkakadakip sa suspek na sasampahan ng alarm and scandal at malicious mischief sa Parañaque City Prosecutor’s Office.
