Calendar
I-monitor WILD diseases–Manila mayor sa MHD
INATASAN ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang Manila Health Department (MHD) na paigtingin ang pagmomonitor ng mga W.I.L.D. diseases na lumalaganap kung tag-ulan.
Sa direktiba kay MHD Director Dr. Grace Padilla, iniutos ng alkalde na i-meet ang mga director ng pitong public hospitals ng Manila upang tumulong sa pagmomonitor sa water-borne diseases, influenza-like illnesses, leptospirosis, at dengue o kilala na “W.I.L.D.” diseases.
Sunod-sunod ang buhos ng ulan noong nakaraang linggo kaya’t minabuti ng mayor atasan si Dra. Padilla na mag report sa kanya araw-araw tungkol sa W.I.L.D. diseases.
Pinawi ni Mayor Isko ang pangamba ng mga batang Maynila sa pagsulpot ng naturang mga sakit dahil handa ang kanyang administrasyon sa ganitong sitwasyon.
Umarangkada na rin ang Hot Meals on Wheels ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) sa Brgys. 640 at 20 sa Isla Puting Bato na layong maghatid ng mainit na pagkain sa mga residente.
Sinabi ni MDSW Director Jay Dela Fuente na namahagi sila sa may 1,000 bata at matatanda ng arroz caldo, tinapay at mineral water.

