TNVS Source: PNP file photo

Fil-Italian stude inireklamo ng rape TNVS driver

29 Views

INIREKLAMO ng panghahalay ang TNVS driver ng 19-anyos na Filipino-Italian senior high school student sa Cubao, Quezon City noong Mayo 8.

Ayon sa biktima, ipinarada ng driver ang itim na Toyota Avanza sa madilim na bahagi ng New York at Imperial Sts. sa Brgy. E. Rodriguez at doon umano isinagawa ang panghahalay.

Nag-book ang estudyante ng biyahe mula Quezon City patungong Bonifacio Global City sa Taguig.

Sa reklamo ng biktima, pinayuhan umano siya ng driver na sa kanya na rin sumakay pauwi at nagpalitan pa sila ng numero ng cellphone.

Matapos ang insidente, nagsumbong ang biktima sa kumpanya na taxi driver na nagpatupad ng suspension laban sa suspek.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, ng Lawyers for Commuters Safety and Protection, naisampa na ang kasong kriminal sa Quezon City Prosecutor’s Office at nakatakda ring magsampa ng mga kasong administratibo sa LTFRB at LTO.