Suspek

Pinaghihinalaang drug pusher laglag sa parak

Edd Reyes Jul 14, 2026
35 Views

ARESTADO ang 27-anyos na umano’y drug pusher at nakuhanan pa ng mahigit P1 milyong halaga ng shabu noong Martes sa Parañaque City.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco ang nahuling suspect na si alyas Jojie, isang high value individual (HVI) na umano’y sangkot sa pagpapakalat ng ilegal na droga sa Paranaque at mga karatig lungsod.

Nahuli ang suspek ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Paranaque police na pinamumunuan ni P/Col. Nicolas Pinon dakong alas-12:20 ng madaling araw sa Los Angeles St., Brgy. San Dionisio.

Nakumpiska sa suspek ang tinatayang 150 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,020,000.

Pinapurihan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/MGen. Anthony Aberin ang Paranaque police sa paghuli sa suspek.