Calendar
MWSS, Million Trees Foundation Inc. pinarangalan Lungsod ng Maynila
TUMANGGAP ng parangal ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila mula sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at Million Trees Foundation, Inc. bilang pagkilala sa programang pagtatanim ng 100,000 puno ng kawayan na isinulong ni Mayor Isko Moreno Domagoso.
Tinanggap ni Vice Mayor Chi Atienza bilang kinatawan ni Mayor Isko Moreno ang parangal sa sremonya ng pagkilala sa Annual Million Trees Challenge 2025 na ginanap sa Estancia de Lorenzo, San Mateo, Rizal Martes ng hapon , bilang pagkilala sa mga indibidwal at organisasyong naging katuwang sa pagsusulong ng mga programang pangkalikasan at sa pagpapalawak ng adbokasiya sa pangangalaga ng likas na yaman para sa susunod na henerasyon
Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Isko, inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang pagtatanim ng 100,000 kawayan sa kahabaan ng Roxas Boulevard, R-10, at iba pang pangunahing lansangan bilang bahagi ng mas pinalakas na flood control at environmental protection program ng lungsod at mapalawak ang mga luntiang espasyo sa Maynila.
Sa isang pahayag, sinabi ng alkalde na isang malaking karangalan ang pagkilalang iginawad ng MWSS at Million Trees Foundation, Inc. sa kanilang 100,000 Bamboo Tree Planting Program bagama’t higit pa aniya sa parangal, ang pinakamahalaga ay ang pamana na maiiwan nila sa susunod na henerasyon.
“Mga Batang Maynila, seryoso po tayo sa pangakong makapagtanim ng 100,000 kawayan sa ating lungsod. At kahit paano, heto na po ang ating nasimulan at patuloy na ginagawa,” pahayag ng alkalde.

