Hot News

Binatilyo, 15, sinaksak sa leeg ng cutter ng

Jon-jon Reyes Jul 15, 2026
165 Views

Crime

PATAY ang 15-anyos na binatilyo Martes ng gabi matapos saksakin ng cutter sa leeg ng16-anyos na lalaki sa kahabaan ng Sobriedad St. kanto ng Blumentritt St., Sampaloc, Maynila.

Ang 15 anyos na biktima ay residente ng Sampaloc.

Ayon sa report ni Police Major Dave Garcia, hepe ng MPD Homicide Section, bandang 9:35 ng gabi, nang mangyari ang insidente sa kanto ng Sobriedad St. at Blumentritt St.

Ayon sa mga kaanak, natagpuan ang biktima na nakasuot ng itim na shorts at walang sapin sa paa. May saksak ito sa leeg.

Ang bangkay ng biktima ay nakalagak sa Bossing Funeral para sa awtopsiya at pangangalaga.

Batay sa paunang imbestigasyon at sa salaysay ni alyas Jericka, pauwi na ang biktima kasama ang apat na iba pa nang biglang tutukan ang isa sa kanilang grupo ng patalim.

Sinuntok ng biktima ang suspek.

Agad na hinarap ng suspek ang biktima at sinaksak ito sa kaliwang bahagi ng leeg.

Agad namatay ang biktima habang nakatakas ang suspek.

Isinugod ng mga rumespondeng pulis na sina PCpl Gonzales at PCpl Advincula ng Sampaloc Police Station ang biktima sa Ospital ng Sampaloc upang mabigyan ng agarang medikal na atensyon.

Bandang alas-10:19 ay idineklarang dead on arrival ang biktima ni Dr. Dennis James Eufracio.

Naglatag ang mga kapulisan ng isang follow-up operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa 16 anyos na suspek.

Ang suspek ay nasa kustodiya na ng Manila Police District at nahaharap sa kasong murder at grave threats. Nakatakda itong iturn over sa Department of Social Welfare and Development.