Lolo

Lolo, 77, arestado sa bigong pagtsugi sa kapitbahay

Edd Reyes Jul 19, 2026
105 Views

TIMBOG ang 77-anyos na lolo ng tangkaing patayin ang kanyang kapitbahay noong Sabado sa Taguig City.

Nakilala ang suspek na si alyas Rodolfo na nagtangkang todasin ang 44-anyos na kapitbahay na nagtamo ng galos sa kanang baywang.

Sa ulat ng tanggapan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco, magsasara sana ng gate sa Brgy. Ususan ang biktima dakong alas-2:40 ng hapon nang sumulpot ang suspek na armado ng patalim at inundayan ng saksak ang biktima.

Nakailag ang lalaki kaya’t gumalos lang ang patalim sa kanyang baywang hanggang awatin ng mga kapitbahay ang suspek kaya nakahingi ng tulong sa mga pulis ang biktima na nagresulta sa pagkakadakip kay alyas Rodolfo.

Nakuha ng mga tauhan ng Taguig Police Sub-Station 4 ang mahigit 10-pulgadang patalim sa suspek na tumanggi ng sabihin ang motibo sa tangkang pagpatay.