rico blanco

Macbeth 20th anniversary show star-studded

Eugene Asis Oct 15, 2022
205 Views

fashion model fashion model ISANG malaking tagumpay ang 20th year celebration ng apparel brand na Macbeth kamakailan.

Ginanap ito sa Metrotent Convention Center sa Metrowalk, Pasig City. Dinaluhan ito ng iba’t ibang kilalang banda sa bansa tulad ng Mayonnaise, Urbandub, Sandwich, Hilera at mga underground music groups tulad ng Shotgun Combo, Divina, Soapdish, Fragments, Snakefight, Chocolate Factory at Chelsea Alley.

Naging tampok naman ang performance ni Rico Blanco.

Ang ilang performances ng mga banda ay sinabayan ng isang fashion show na tinampukan ng All-Star Macbeth Fashion models na ang karamihan ay mga foreigner para ilunsad ang Lady Macbeth underwear.

Naging host ng programa ang DJ at dating PBB housemate na si Rico Blanco. Kasama niya sa naturang event ang kanyang bagong girlfriend na si Phoebe Walker, isang sexy actress ng Viva.

Namataan din ang aktor at model na si Daniel Matsunaga. Sinuportahan naman niya ang kanyang bagong girlfriend, isang Brazilian model na nagngangalang Julia na rumampa sa All-Stars Macbeth Fashion Show.

Samantala, ang Macbeth brand ay nagsimula sa Southern California. n fIsa sa mga founder nito ay isa sa miyembro ng Blink 182 na si Tom DeLonge. Mula noong June 2014, ang Macbeth ay pag-aari na ng Saban Brands. Nagsimula ito sa paggawa ng footwear pero kalaunan ay gumawa na rin ito ng hoodies at jeans. Ngayon, nagdagdag na rin ito ng underwear.