Carlo

Carlo at Charlie nagpapatayo ng dream house

Vinia Vivar Jul 24, 2026
41 Views

Nagpapagawa na pala ng sariling bahay ang mag-asawang Carlo Aquino at Charlie Dizon.

Proud na flinex ng aktres sa kanyang Instagram Story ang selfie nila ng mister habang nakasuot ng white safety helmets. Sa likod nila ay makikita ang ipinapagawa nilang bahay.

Nagbahagi rin si Charlie ng larawan ni Carlo habang tinitingnan ng aktor ang bahay na sinisimulan pa lang i-construct.

Ni-repost ito ng aktor sa kanyang IGS.

Hindi na nagbigay ng anupamang caption o detalye si Charlie pero obvious na nagpapagawa na sila ng kanilang dream home para sa pamilyang bubuuin nila.

Matatandaang ikinasal sina Charlie at Carlo noong June 9, 2024 sa Silang, Cavite.