Anne

Anne first time magpe-perform sa Australia: Weird, I grew up there

Vinia Vivar Jul 24, 2026
36 Views

Isa si Anne Curtis sa Kapamilya stars na lumipad patungong Sydney, Australia para sa gaganaping ASAP show ngayong July 25 sa TikTok Entertainment Centre.

Excited na umalis ang aktres dahil first time raw niyang magpe-perform sa nasabing bansa kahit nga lumaki siya roon.

“I think this is the first time I’m performing in Australia, which is weird, because I grew up there. So I’m super excited. It’s gonna be a lot of fun,” sey ni Anne sa panayam niya sa ABS-CBN sa airport bago siya umalis.

Magsisilbi nga rin daw itong family reunion dahil magkikita sila ng kanyang ina.

“My mom is coming up from Melbourne, so excited to see ang ating mga kababayan, ating mga Kapamilya dyan,” aniya.

Dagdag pa niya, “Tumawag na nga sa akin ‘yung sisteret ko. Sabi niya, ano na? Kailan ka babalik? So ito na nga, babalik na tayo.”

Isa si Anne sa 30 Kapamilya stars na magpe-perform sa ASAP Australia at sey niya, “I’m super ready and I can’t wait to see everyone. I can’t wait to perform with the ASAP Kapamilya family.”

Fans na-excite sa pasilip ng pagbbalik ni Kris

KrisNa-excite agad ang supporters ni Kris Aquino sa simpleng post ng make-up artist na si RB Chanco sa kanyang socmed.

Nagbahagi ang longtime make-up artist at kaibigan ni Krisy ng isang Instagram Story ng tila behind the scenes ng isang production set. Makikita rito na may mga naka-set-up na camera.

“The Real Queen we’ve all been waiting for. Coming soon,” ang caption ni RB.

Sa dulo ng statement ay makikita ang letrang “K.”

Hinihinalang may kinalaman ito sa matagal nang napapabalitang pagbabalik ni Kris sa limelight.

Isang netizen ang nag-reshare ng post ni RB at ipinahayag ang excitement kung totoong magbabalik na nga si Kris.

Matatandaang nitong mga nakaraang buwan ay nagpapahaging na si Kris ng kanyang nalalapit na pagbabalik sa hosting kaya naman abangers ang fans na matagal na rin siyang nami-miss.