Calendar
Ilang kalye sa Manila isasara sa Sabado, Linggo
ISASARA sa lahat ng sasakyan ng Maynila ang ilang kalsada mula Sabado ng gabi hanggang Linggo bilang paghahanda sa rally ng
United People’s Initiative. Kabilang sa mga isasara mula alas-6:00 ng gabi ang C.M. Recto Avenue mula Nicanor Reyes St. hanggang Mendiola St. at Legarda St. mula Figueras St. hanggang San Rafael St.
Isasara rin ang bahagi ng Magallanes Drive mula Jones Bridge hanggang MacArthur Bridge pati ang Ayala Bridge at eastbound ng Ayala Boulevard mula San Marcelino St. hanggang Romualdez St.
Isasara rin ang southbound ng MacArthur Bridge mula Plaza Lacson hanggang Liwasang Bonifacio at southbound ng Quezon Blvd. mula A. Mendoza at Fugoso Sts. hanggang Quezon Bridge at Liwasang Bonifacio mula alas-6:00 ng gabi sa Sabado.
Hindi na rin pahihintulutang madaanan ang southbound ng Lerma St. mula España Boulevard at P. Campa St. hanggang A. Mendoza St.
Pinapayuhan ang mga motorista na planuhin ang biyahe at dumaan sa mga alternatibong ruta na nasa opisyal na website ng Manila Public Information Office (MPIO).

