Calendar
Mamboboso kinunan bebot ng sex video, nangikil, tiklo
TIMBOG ang 24-anyos na lalaki ng tangkaing kikilan ang babaeng empleyado ng gobyerno kapalit ng hindi pagsasa-publiko ng kanyang hubad na video at larawan habang nakikipagtalik sa Taguig City.
Humingi ng tulong ang 23-anyos na biktima sa mga tauhan ni Taguig police chief P/Col. Julius Anonuevo noong Miyerkules nang matanggap ang mensahe ng pagbabanta ng suspek na si alyas “Gener” na ipakakalat sa social media ang kanyang video at larawan na kinuhanan ng hindi niya alam.
Nagkasa ng entrapment ang pulisya dakong alas-8:30 ng gabi sa kanto ng Sto. Niño at Maria Rodriguez Tiñga Avenue, Brgy. North Signal na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.
Nakumpiska kay alyas Gener ang isang Infinix Smart 8 mobile phone na pinaniniwalaang ginamit ng suspek sa pagkuha ng video ng pakikipagtalik sa kanya.
Pinuri ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco ang Taguig police sa agarang pag-aksiyon sa reklamo ng government employee at iniutos ang pagsasampa ng mga kasong paglabag sa Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009, grave threats at grave coercion laban sa suspek.

