Calendar
Nagbigay ng pahayag si PLt. Col. Leopoldo Cajipe Jr., station commander ng MPD Meisic Binondo Police Station 11, kaugnay sa suspek na may kasong qualified theft matapos nakawin ang koleksiyon ng isang International Trading Corp.
JONJON C. REYES
Driver binulsa imbes na i-deliver pera ng kumpanya
ARESTADO ang lalaking drayber matapos umanong nakawin ang koleksyon ng International Trading Corporation sa Unit 504-505, 5th Floor, Sky 1 Tower, 68 Dasmariñas St., San Nicolas, Manila noong Biyernes.
Nakilala ang suspek na si alyas Ricky, 37, at pinaghahanap pa ang kasama niyang si alyas Ronel, 38.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Leopoldo B. Cajipe Jr, Station Commander ng MPD Meisic Binondo Police Station 11, bandang alas-3:51 ng madaling araw nang mangyari ang insidente.
Batay sa pahayag ng nagrereklamo na si alyas Eric, habang siya ay nasa opisina, ipinagbigay-alam sa kanya na mayroong kakulangan sa koleksyon para sa araw na iyon dahil kulang ang nai-turnover ng suspek.
Habang isinasagawa ang paghaharap, kusang-loob na inamin ni Ricky na siya ang kumuha sa nawawalang pondo at ibinigay sa isa pang pahinante na si alyas Ronel.
Matapos ang pag-amin, pinigilan ni Eric si Ricky at inutusang kontakin si Ronel upang hingin ang agarang pagsasauli ng pera ng kumpanya.
Pagkatapos noon, nakipag-ugnayan si Ricky kay Ronel, na kumakatawan na personal niyang ibabalik ang pera sa opisina.
Gayunpaman, nabigo si Ronel at sa halip ay naging dahilan upang maihatid ang pera sa pamamagitan ng isa sa kanyang mga kamag-anak ang nawawalang pera na P61,755.71 subalit na P57,650 ang nabawi at nasa P4,105.71 pa ang hindi nabawi.
Kasunod nito, humingi ng tulong sa pulisya ang complainant para sa tamang dokumentasyon.
Pagdating nina PMSg Jay-Ar PValdez at PSSg Rusty Dela Cruz, ipinaalam nila sa suspek ang mga pangyayari.

