Calendar
Himas rehas ang suspek matapos maaresto ng mga pulis dahil sa mga kasong sexual assault at statutory acts of lasciviousness sa Capulong St., Brgy. 151, Tondo, Manila.
Suspek sa sexual assault inaresto
SWAK sa selda ang 58-anyos na lalaki dahil sa mga kasong sexual assault at statutory acts of lasciviousness sa Capulong St., Brgy. 151, Tondo, Manila noong Biyernes.
Kabilang sa most wanted persons sa district level, nakilala ang suspek na si alyas Art, ayon sa report.
Bandang alas-1:45 ng hapon ng damputin ang suspek sa pamumuno ni PCapt. Mark Xyrus Santos, hepe ng Warrant and Subpoena Section ang Raxabago Police Station, katuwang si PCapt. Virgilio Maboloc.
Nahuli ang suspek sa bisa ng warrant arrest para sa mga kasong sexual assault at statutory acts of lasciviousness.
Inilabas ang warrant ni Judge Richie Macapagal, presiding judge, Regional Trial Court, Branch 5, Manila City.
Inihahanda na ang mga kinakailangang dokumento bago ibalik ang warrant of arrest sa pinanggalingang hukuman.
Nasa kustodiya ng MPD-Raxabago police station ang akusado.

