Kelot

Babae hinuli sa pagsaksak, pagkasawi ng ka-live in

18 Views

ARESTADO ang babaeng pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang kanyang umano’y live-in partner sa Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City noong Linggo.

Base sa imbestigasyon, alas-3:00 ng madaling-araw ng makita ng isang saksi ang suspek na may hawak na kutsilyo at hinahabol ang biktima sa Villareal St.

Nang maabutan, agad itong inundayan ng saksak sa dibdib at sinipa pa umano ang biktima habang nakahandusay sa kalsada.

Nagbanta pa ang suspek bago dumating ang mga pulis na nagsasagawa ng police visibility sa lugar.

Napag-alaman na parehong nakainom ng alak ang mag live in partner. Bago umano ang insidente, dumalo pa ang dalawa sa isang party.

Naaresto ang suspek sa pinangyarihan at nabawi ang kutsilyong pinaniniwalaang ginamit sa krimen.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong murder laban sa suspek.