Holdup Kinilala ni MPD Director PBGen. Arnold Santiago ang dalawang suspek na nangholdap matapos matimbog ng mga pulis sa Zaragosa St., Tondo, Manila. JONJON C. REYES

2 ‘nangholdap’ ng helper huli sa Tondo

Jon-jon Reyes Aug 2, 2026
16 Views

ARESTADO ang dalawang umano’y holdaper ng mga pulis ng Delpan Police Station 12 matapos holdapin ang isang helper sa Mel Lopez Blvd. service road corner Zaragosa St,, Brgy. 20, Tondo, Manila noong Linggo.

Nakilala ang mga suspek na sina alyas Roldan, 24; at Raymart, 21.

Ayon sa mga pulis, bandang alas-11:05 ng tanghali ng holdapin ng mga suspek ang biktima na si alyas Mark, 22.

Base sa salaysay ng biktima habang nakaupo sila sa center island ng kanyang mga kasamahan, biglang lumapit sa kanila ng palihim ang mga suspek.

Hinawakan ng unang suspek ang kaliwang braso ng biktima at itinutok ang patalim sa kaliwang bahagi ng kanyang tiyan at saka kinuha ang bag ng biktima at ibinigay sa kasama niya bago tumakas patungo sa hilagang direksyon ng Delpan flyover.

Lumapit ang mga kasamahan ng biktima sa mga pulis na nakatalaga sa Rosauro Almario Elementary School.

Nagsagawa ng follow-up operation sina PMSg Jaime Esguerra Jr., PCpl Fracisco Guzman at Pat Paul Tantingco na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek sa Slip-0, Pier-2, Parola compound, Brgy. 20, Tondo, Manila.

Nabawi mula sa isang suspek ang bag ng biktima na naglalaman ng Nike sling bag; 1 Infinix Smart 10 na nagkakahalaga ng P5,000; at mga IDs.

Nakuha sa isa pang suspek ang isang patalim. Hindi na nabawi ang P3,000 na nakuha sa biktima.

Ang mga suspek ay masasampahan ng kasong robbery at ihaharap sa Manila Prosecutor’s Office para sa inquest.