MTRCB1 MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto

MTRCB pinayuhan publiko na i-report kahina-hinalang komunikasyon mula sa ahensiya

79 Views

NAGBIGAY ng babala ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa publiko laban sa mga indibidwal na nagpapanggap bilang MTRCB Chairperson at CEO na si Lala Sotto gamit ang mga hindi awtorisadong cellphone number at email address.

Sa isang public advisory, sinabi ng ahensiya na ang opisyal na email address ng MTRCB ay admin@mtrcb.gov.ph.

“Ang lahat ng lehitimong komunikasyon ng Ahensya ay isinasagawa lamang sa pamamagitan ng mga opisyal nitong komunikasyon o opisyal na mga channel,” pahayag pa ng MTRCB.

“Para sa kaalaman ng publiko, hindi nagpalit ng kanyang opisyal na mobile number si MTRCB Chairperson Lala Sotto,” ayon pa sa babala ng ahensiya.

Pinayuhan ng MTRCB ang publiko na huwag tumugon sa mga kahina-hinalang mensahe, huwag magpadala ng pera, at huwag magbigay ng anumang personal na impormasyon.

Hinihikayat din ang lahat na agad iulat sa MTRCB ang anumang kahina-hinalang komunikasyon.