Vic Reyes

BOC Chief Nepomuceno winarningan mga ismagler

Vic Reyes Aug 5, 2026
32 Views

MAPAGPALANG araw sa lahat ng ating mga suki, lalo na sa mga kababayan natin sa Japan at iba pang panig ng daigdig.

Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.

Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Roana San Jose, Endo Yumi, Patricia, Coronel, Mama Aki ng Ihawan, Glenn Raganas, La Dy Pinky, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, at Hiroshi Katsumata.

Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Angelo Diaz, Dolores Monfero, Delia Sunga ng Saudi Arabia.

***

Patuloy ang magandang “performance” ng Bureau of Customs (BOC), lalo na sa larangan ng revenue collection.

Ito ay bunga ng dedikasyon sa trabaho ng mga taga-BOC at mga repormang ipinapatupad ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno.

Kaya inaasahan ng waterfront observers na makapagtatala pa ng maraming “firsts” ang ahensya sa nalalabing 23 months ng kasalukuyang administrasyon.

Ito ngang nakaraang Hulyo, “BOC recorded its highest ever monthly and January-to-July revenue collections.”

Ayon sa record, umabot ng P95.848 bilyon ang nakolektang buwis sa buwan ng Hulyo, ang pinaka-mataas na collection ng BOC sa kasaysayan.

Ito ay lampas ng P4.322 bilyon sa target collection nitong P91.526 bilyon.

Ang koleksyon naman mula Enero hanggang Hulyo ay umabot ng P587.711 bilyon, pinakamataas namang seven-month (January-July) collection ng ahensiya.

Ang January-July 2026 collection target ng BOC ay P576.366 bilyon.

Noong Enero-Hulyo 2025 koleksyon ay umabot lamang ng P543.951 bilyon.

Sinabi naman ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno na ang magandang performance ng ahensya ay dahil sa collective efforts ng BOC personnel sa buong bansa.

“Taos puso kong pinasasalamatan ang bawat kawani ng Bureau of Customs sa kanilang hindi matatawarang serbisyo sa bayan,” sabi ni Nepomuceno.

“These achievements show that our reforms, modernization efforts, and stronger collaboration with stakeholders are delivering meaningful results,” dagdag ni Nepomuceno.

Hindi magbabago ang determinasyon ng BOC na tulungan ang administrasyon.

Ito ay para matulungan si Pangulong Marcos sa kanyang misyon na palakasin ang ekonomiya upang magkaroon ng “better opportunities for every Filipino.”

****

“Mauubos lang ang mga puhunan ninyo!”

Ito ang warning ni Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno sa mga ismagler na patuloy sa kanilang mga iligal na gawain.

Inisyu ni Nepomuceno ang warning habang ine-inspeksyon niya ang dalawang shipments sa Manila International Container Port (MICP).

Galing ng China, ang dalawang shipments ay naglalaman ng misdeclared “fireworks and firecrackers.”

Ang mga paputok at pailaw ay nagkakahalaga ng P40 milyon.

Sa isang pahayag, sinabi ng BOC na “the shipments were flagged by the Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) after derogatory reports indicated the presence of fireworks and firecrackers.”

Nang buksan nga ng mga taga-BOC ang dalawang shipments ay nakita nila ang mga kontrabando.

Sinabi ni Nepomuceno na epektibo ang ginagawa nilang screening process.

“Kaya dapat itigil na ng mga smuggler ang iligal na importasyon. Mauubos lang ang puhunan ninyo,” babala niya.

Ang importasyon ng finished firecrackers at pyrotechnic devices ay ipinagbabawal ng Republic Act No. 7183, ayon kay MICP District Collector Geoffrey K. De Vera IV.

***

Mabuti naman at nag-uulan na sa maraming parte ngbansa.

Madadagdagan na ang tubig sa dam, lalo na ang Angat Dam sa Bulacan na pinagkukunan ng inuming tubig ng mga taga-Metro Manila at karatig-pook.

Natutuwa rin ang mga magsasaka dahil nakapagtatanim na sila ng palay at gulay.

Dati ay tigang na tigang na ang lupa dahil sa kawalan ng ulan sa bansa.

(Para sa komento at pagbati,mag-text sa #09178624484)