Calendar
MinOr dinayo ng apostolic nuncio
CALAPAN CITY, Oriental Mindoro–Bumisita sa siyudad na ito His Excellency Archbishop Charles John Brown, D.D., Apostolic Nuncio to the Philippines at Dean of the Diplomatic Corps, kasama ang kanyang delegasyon.
Tinanggap siya ni Gob. Humerlito “Bonz” Dolor sa Ballroom Hall ng Oriental Mindoro Heritage Museum bilang pagpapatibay sa ugnayan ng pamahalaan at simbahan sa lalawigan.
Kasama sa pagtanggap sa pari ang Unang Ginang na si Hiyas Govinda at Bise-Gobernador Antonio S. Perez Jr..
Binigyang-diin ni Gob. Dolor na ang pagtitipon ay higit pa sa pagbibigay-pugay kundi pagpapatibay ng pagsasama ng pamahalaan at simbahan.
Ayon kay Brown, kahit magkaiba ang tungkulin ng dalawang panig, iisa ang kanilang layunin–ang paglingkuran ang taumbayan.
Hinikayat niya ang lahat na magkaisa upang maitaguyod ang patas at makatarungang lipunan.
Pinagtibay ang Provincial Resolution No. 8497 na nagpapaabot ng pinakamainit na pagtanggap kay Apostolic Nuncio Brown at nagpaparangal din sa pagtatatag ng Diyosesis ng Calapan.
Ang Apostolic Nuncio ang mangunguna sa seremonya ng pagtatatag ng bagong Diyosesis ng Calapan at sa pagtatalaga kay Obispo Moises Cuevas bilang kauna-unahang obispo nito.
Kinatawan ng hudikatura, kapulisan at mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan si Provincial Administrator Atty. Earl Ligorio R. Turano II.

