Evacuee

Maynila inilikas 140 pamilya na apektado ng malalim na baha sa Riverside, Pier

Edd Reyes Aug 9, 2026
23 Views

AyudaINILIKAS ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang 140 pamilya o 392 na indibiduwal na naapektuhan ng malalim na pagbaha sa Road 10 Riverside at komunidad na malapit sa Pier Linggo ng umaga sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan.

Dinala ang mga inilikas na pamilya sa OVP Building 23 at 27 Evacuation Center sa Barangay 101 Zone 8 kung saan sila dinalhang ng kanilang pangunahing pangangailagan ni Manila Department of Social Welfare (MDSW) Director Jay Dela Fuenta batay na rin sa direktiba ni Mayor Isko Moreno Domagoso.

Bukod sa mga pangunahing pangangailangan gaya ng panlaban nila sa matinding lamig, namahagi rin ang MDSW ng mainit na pagkain, cupcakes at bottled, at emergency kit.

Sinabi ni Director Dela Fuente na ang kanilang mabilis na pagkilos ay bahagi ng kanilang mandato upang matiyak ang pagtugon ng pamahalaang lungsod sa mga Manileñong nangangailangan ng tulong, lalo na sa panahon ng sakuna at kalamidad.

Patuloy naman ang ginagawang pagmonitor ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office at iba pang tanggapan ng lokal na pamahalaan ang sitwasyon sa mga mababang lugar sa lungsod at mga kabahayan sa tabing ilog, estero, at kanal upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente.