Yorme

Mga kailangan n’yo ibibigay ko–Yorme sa EARIST grads

Edd Reyes Aug 9, 2026
21 Views

GradTINIYAK ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa mga nagtapos na estudyante sa Eulogio ”Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) na ibibigay niya ang kanilang mga pangunahing pangangailangan.

Sinabi ni Domagoso na kasama nila ang lokal na pamahalaan sa pagbuo ng kanilang kinabukasan. “Sabay-sabay tayong lalaban tungo sa maayos na kinabukasan,” sabi ng alkalde.

Nananatiling nakatuon ang lungsod sa minimum basic needs (MBN) gaya ng pabahay, edukasyon, pangangalaga sa kalusugan at paglikha ng trabaho upang patuloy na mabigyan ng oportunidad ang mga residente ng Maynila.

“Pipilitin ko araw-araw na humiling sa Diyos na bigyan ako ng lakas ng pangangatawan na palaging maging mainam, masinop, at epektibong gagastusin ang resources ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Maynila,” dugtong pa niya.

Tiniyak pa ni Moreno na habang sila ay patuloy na sumusulong sa kanilang sariling pagsisikap, magiging kaagapay pa rin nila ang lokal na pamahalaan, upang suportahan ang kanilang komunidad na pinanggalingan.