Mabini

PMaj. Suarez nag-courtesy call kay Mayor Luistro

29 Views

Mabini1

MABINI, Batangas — Muling pinagtibay ng Pamahalaang Lokal ng Mabini at ng lokal na kapulisan ang pagtutulungan upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng buong bayan.

Ito ay matapos magsanib-puwersa sa pamamagitan ng isang courtesy call si PMaj. Hazel L. Suarez, ang bagong talagang Officer-in-Charge ng Mabini Municipal Police Station (MPS), kay Mayor Noel B. Lusitro nitong Sabado, ika-8 ng Agosto.

Sa nasabing pagpupulong, masusing tinalakay ng dalawang pinuno ang kasalukuyang kalagayan ng kapayapaan at kaayusan sa sakop ng munisipalidad.

Binalangkas din ang mga hakbangin upang lalo pang patatagin ang ugnayan ng Local Government Unit (LGU) at ng Philippine National Police (PNP).

Binigyang-diin ni Mayor Lusitro at PMaj. Suarez na mahalaga ang maayos at mabilis na koordinasyon ng magkabilang panig upang makapaghatid ng mas tumutugon, episyente, at matapat na serbisyo-pulisya para sa mga mamamayan ng Mabini.